8 Ball Pool Download Free PC Games on Gameslol
8 Ball Pool Download Free PC Games on Gameslol

Magdownload at Maglaro ng 8 Ball Pool para sa PC hatid ng Miniclip | Libreng Na-unblock na Saya sas Bilyar online

Kung nagustuhan mong maglaro ng Bilyar, dapat mo ring subukan ang 8 Ball Pool! Magkaroon ng walang katapusang saya sa bilyar ditto sa 8 Ball Pool, hatid sa inyo ng Miniclip!Simple lang ang mga patakaran, kunin lang ang iyong cue stick at maglaro ng 8 Ball Pool! Laruin ang na-unblock na laro 24 oras, kahit kalian mo gusto at hamunin ang ibang manlalaro online para maging pinakamagaling na manlalaro!

Wala ka bang oras na pumunta sa isang Pool Hall o Cue Room? Bakit hindi maglaro ng virtual na bilyar sa iyong PC sa ginhawa ng iyong bahay? Maging una sa pagbulsa ng 8 na bola at panalunin ang laro. Manalo ng mga barya at iba pang magagandang premyo sa bawat panalo. Bilhin ang mas mabisang kalidad na mga cue at maging ang susunod na cue master. I-download ang 8 Ball Pool at maglaro sa online ngayon!

 

8 Ball Pool Play Online Free PC Download

Pic 1: 8 Ball Pool Game Launch Screen

 

Mga Katangian ng 8 Ball Pool na Laro:

 

Madaling gamitin na mga Kontrol

Madaling gamitijn na mga control. Halos walang dapat tutunan sa pagtuturo ng laro. Ayusin lang ang anggulo ng iyong cue stick, at ang lakas ng pagtira, at maayos ka na! Ito ay isa sa mga laro na may pinakamaikling pagtutuo. Sumali sa pangunang 1v1 na laro at simulan kaagad ang laro! Masasanay ka rin sa laro ng ilang minute lang!

 

Pwedeng I-customize na mga gamit

Kumuha ng bagong cue stick sa pamamagitan ng pagbili nito galling sa in-game na bilihan gamit ang barya na napanalo sa iyong mga lro o paggamit ng totoong pera para bilhin ang Surpresang mga Kahon. Bawat cue ay may kanya-kanyang walang katulad na kapangyarihan at ibat-iabng lakas sa Puwersa, Pagtutok, Ikot at Oras. Kumuha ng espesyal na panalong mga cue kapag manalo sa iabt-ibang mga lugar ng laban. Pwede ka ring makakuha ng bagong mga Avatar sa Pool Shop para palitan ang iyong mukha sa iyong profile.

 

8 Ball Pool Cue Sticks Customize Download Miniclip

Pic 2: 8 Ball Pool Cue Sticks Billiards Shop

 

Maglaro ng 1v1 na laban o mga Pandaigdigang Paligsahan

Lumahok sa mga one-on-one na mga labanan sa mga online na manlalaro o sumali sa mga paligsahang mag 8 na kalahok. Ang mga paligsahan ay pwedeng pasukan sa ika-6 na antas kaya simulan ang pagpataas ng iyong antas para makasali sa ganoong mga paligsahan! Kumuha ng mga barya sa bawat laro na pinapanalo mo at sumali sa mas mataas na ranggong laro kung saan mas mataas ang pusta, at mas malaki ang pwedeng mapanalo. Halimbawa, ang unang kuwarto/lugar ng laro ay ang Downtown London Pub kung saan 50 na barya ang babayaran para makapasok at 100 na barya ang premyo kung mananalo kan (may panalong 50 na barya).

8 Ball Pool Gameplay Download Location Free

Pic 3: 8 Ball Pool Game Locations Rules

 

Magagandang Premyo ang naghihintay sa iyo

Manalo ng mga tropeo para ipakita sa iyong profile at magkamit ng eksklusibong mga cue. Kumuha ng daan patungo sa eksklusibong mga lokasyon ng laro at i-unlock ang eksklusibong  mga gamit. Ang ika-3 antas ay bumubukas sa Sydney Marina Bar. Ang ika-5 antas ay magbubukas sa Moscow Winter Club. Ang ika-7 na antas ay magbubukas sa Tokyo Warrior Hall. Ipunin ang iyong mga panalo sa ibat-iabng mga lokasyon at kunin ang iyong Singsing na Tropeo!

 

8 Ball Pool Billiard Trophies Ring Game Hacks

Pic 4: 8 Ball Pool Trophies Play Online

 

Ibahagi ang iyong nakamit at Maglaro kasama ang mga kaibigan

Ibahagi ang iyong mga nakamit sa social media gaya ng Facebook at Twitter. Maglaro kasama ang mga kaibigan at hamunin sila sa laro ng 8 Ball Pool. Galingan ang iyong kakayahan sa Offline na Pagsanay na kuwarto kung saan ang bayad para sa pagpasok ay mas maliit kaysa sa simulang kuwarto ng kompetisyon.

 


Mga Hack, Daya at Lihim sa 8 Ball Pool:

 

Samantalang hindi naming hinihikayat ang pag-download ng mga mad apk para kumuha ng hindi mabilang na barya at pera para sa 8 Ball Pool, may nakita kaming lehitimo na mga paraan para makakuha ng mga barya na kailanga para magpatuloy sa laro! Patuloy na magbasa para sa karagdagan.

 

Magkonekta sa Facebook

Ikonekta lamang ang iyong Facebook na account sa laro at magkaroon ng daan sa lahat ng mga mabubuting bagay! Kunin ang 5 Pool na pera nang libre kaagad. Magtamo ng libreng mga barya sa bawat oras kahit walang ginagawa. Siguraduhin lang na sinimulan mo ang laro sa bawat oras para makuha ang mga barya! Hikayatin ang mga kaibigan na regaluhan ka din ng mga barya! Maghiling sa kanila kung nawalan ka na nga barya at bigyan din sila. Isa itong panalo na sitwasyon para sa lahat!

 

8 Ball Pool Billiards Facebook Coins Unblocked

Pic 5: Connect your 8 Ball Pool account to Facebook and get more rewards

 

Mga Cue na may Kakaibang Kapangyarihan

Gaya ng nabanggit sa itaas, bawat cue ay may sariling kakaibang kapangyarihan at ibat-ibang lakas (i.e. ang katindihan ng bawat kapangyarihan). Ang puwersa ay tumutukoy sa kung gaano kalakas mo tamaan ang cueball. Ang Ikot ay ang dami ng ikot na pwede mong ibigay sa tira. Ang pagtutok ay tumutukoy sa taas ng iyong linya ng tutok kapag inaayos ang iyong tira. Ang oras ay tumutukoy sa dami ng oras na kailangan mong pakawalan ang tira. Ang Panimulang cue na matatanggap mo sa simula ng laro ay halos walang dagdag na tibay sa kahit saang 4 na kapangyarihan. Kaya ipinapayo na ipunin ang iyong barya kaagad at i-upgrade ang iyong cue stick sa mas mabuti pa na bagay sa iyong paglaro.

 


 

Mga FAQ ng 8 Ball Pool

Ito ang ilan sa mga palaging tinatanong tungkol sa 8 Ball Pool. Para sa karagdagang FAQ sa laro, puntahan ang aming 8 Ball Pool FAQ na pahina.

 

Libre lang bang 8 Ball Pool?

Ang PC na laro ay pwedeng ma-download nang libre sa IOS App Store, Google Play Store at PC. Maaari din itong laruin sa web nang walang bayad. Pero, ang mga manlalaro ay binibigyan ng pagpipilian kung bibili sila ng mga cash premium na gamit at mga upgrade. Isa pang bagay na kailangan sa laro ay ang Pool Coins. Kahit mayroong paraan para makakuha ng libreng Pool Coins, ang ibang mga manlalaro ay maaaring bumili ng marami pang barya.

Ano ang kaibahan ng mga laban at mga paligsahan?

Mayroong dalawang paraan ng paglaro ng 8 Ball POOL. Pwede kang pumili ng one-inone na mga laban o mga paligsahan. Sa laban, maglalaban ka sa iabng mga manlalaro sa kahit saan sa ibat-ibang lokasyon sa siyudad. Mayroong bayad sa pagapasok at kung manalo ka, makakakuha ka ng premyo na doble sa bayad ng pagpasok. Sa mga paligsahan, naman, makaka-pasok ka ka kasama ang pito pang manlalaro. Gaya ng labanan, magbabayad ka bago ka makakapasok sa paligsahan at kung gaano kataas ang bayad, ganun din kalaki ang premyo.

Pwede ba akong maglaro ng 8 Ball Pool sa offline?

Ang paglaro sa offline ay possible. Pero, ang mga paligsahan at pakikipaglaban sa ibang online na manlalaro ay hindi pwede. Sa halip, pwede mong gamitin yung offline na paglalaro para bilang iyong panahon ng pagsasanay.

 

Ano ang mga patakaran ng laro?

Gaya ng ibang lehitimong 8 Ball Pool, ang paglaro ng 8 Ball Pool ng Miniclip ay may mga patakaran, mga foul, at mga kawalan na nagaganap. Ang pangunahing saligan ng laro ay dalawang manlalaro ang bibigyan ng alinman sa mga may guhit o mga dotted na bola. Bawat isa ay dapat i-pot ang kanilang mga itinalagang mga bola upang pahintulutan na i-pot ang 8 Ball.Kung ang manlalaro ay maglalagay ng 8 Ball bago ang lahat ng iba pang mga bola, ang iba pang manlalaro ay mananalo sa laro. Kung ang cue ball ay na-potted, ang iba pang mga manlalaro ang may kalayaan upang ilagay ang cue ball kung saan man nila gusto. Ang parusa na iyon ay tinatawag na “ball in hand”. Ang iba pang mga fouls na maaaring parusahan ay ang pagkawalan ng oras upang gumawa ng isang tira, at pag-potting ng bola ng kalaban.

 

Paano ba ako manalo sa laro?

Walang shortcut sa pagpapanalo ng laro. Kailangan mong sanayin at aralin ang iyong kakaibang istilo ng paglaro dahil ang lahat ng mga upgrade na pinaplano mo sa humaharap ay naka-depende diyan. Ang pag-aaral kung paano gumagana ang laro, pagsasanay ng iyong kakaibang istilo, pag-upgrade ng iyong mga cue stick at bilyaran ay nakakadagdag sa iyong kapasidad sa pagpanalo.

 

Paano ba ako makaka “Auto Win” sa 8 Ball Pool?

Ang “Auto Win” ay nagaganap kapag na-pot mo ang 8 na bola tuwing breaking. Hindi ito isinasaalang-alang na “auto win” kung ginagawa mo kahit anong oras pagkatapos i-break ang laro. Sa katunayan, matatalo ka sa laro kapag ginawa mo yan pagkatapos ng break at bago ma-pot ang lahat ng bolang nakalaan sa iyo.

 

Paano ba ako makakakuha ng barya kahit hindi ito binabayaran?

Maraming ibat-ibang paraan para makakuha ng Pool Coins ng libre. Ang unang paraan ay ang pagtubos ng iyong mga libreng barya bawat 30 na minute. Isa pang paraan ay manood ng mga video ads. Tuwing nananalo ka, makakatanggap ka rin ng barya bilang premyo. Para mas malaman pa ang tungkol sa ibat-ibang paraan para makakuha ng libreng barya sa 8 Ball Pool, pwede niyong tingnan ang FAQ na pahina.

 

Ang 8 Ball pool ay masaya, interaktibo, palaban at istratehiko. Pinipilit ka nitong maging mas mabuti kaysa sa ibang manlalaro gaya ng totoong mga laro sa bilyar. Gayunpaman, hindi katulad ng ganoong mga laro, ang 8 Ball Pool ng Miniclip ay nilalaro ng mahigit sa isang daang milyong tao kahit saan sa mundo. Pwedeng nakikipaglaro ka sa mga baguhan pa o mga beterano at eksperto na sa laro. Parati itong kasiya-siya at puno ng mga surpresa!

 

Ang 8 Ball Pool ay tiyak na isang matinding laro para mawala ang pagkabalisa at magpakasaya! Angkop ito sa kahit anong edad na manlalaro. Kaya magdownload at maglaro ng 8 Ball Pool ngayon na! Kung nagustuhan mo ang 8 Ball pool, inirerekomenda naming na subukan niyo rin ang iba pang larong pampaligsahan gaya ng Billiard at Archery King!

Game Download

Get ready to play!

If your download did not start automatically, please click on the download button below.


Follow these easy steps to complete
your 8 Ball Pool installation.


1
Click the downloaded file at the bottom of your screen.
2
Click "Yes" on the system dialog window to start of your game installation.
3
Once download is completed, the game will start automatically.

Ratings and Reviews

Fun and engaging game

post
★★★★☆
4 5 1
Great game for beginner pool players

Cool Game

post
★★★★★
5 5 1
Learned playing billiards with this game. Awesome!!

Very entertaining pool app

post
★★★★☆
4 5 1
Since i was fan of ball pool, i always enjoying to play this game and keeps me alive during my idle time.

Recommended Games for you