Castle Cats: Epic Story Quests Download Free PC Games on Gameslol
Castle Cats: Epic Story Quests Best PC Games

Castle Cats: Epic Story Quests

PocApp Studios

Castle Cats: Epic Story Quests Download Free PC Games on Gameslol

I-download Castle Cats na Libreng Laro para sa PC | Castle Cats, Pusang mga Gabay, Hack at Itlog

Kung hindi mo napapansin, ang henerasyon natin ay napakahilig sa mga pusa (Talking Tom and FriendsMy Talking TomThe Battle CatsTalking Tom Gold Run). Kaya a no ba ang maiaalok ng Castle Cats: Epic Story Quests na wala pa sa iba? Mayroon kaming maraming mga dahilan! Ang mga nakakatuwang pusa na mga ito ay magandang dinisenyong mga mandirigmang pusa na nagsasama-sama sa mga samahan para mapalayo ang masamang Pugnomancer at ang kanyang mga zombie na aso, at panatilihing ligtas ang Catania!

Ginawa ng PocApp Studios, ang larong ito ay nagdadala sa pagkahilig sa mga pusa sa susunod na anatas! Gumawa ng mga layunin, pagbutihin ang iyong espasyo na samahan, palawakin ang koleksyon ng iyong mga pusa, pataasin ang kanilang antas o pagbutihin ang kanilang anyo para sa mga darating na labanna, i-customize ang iying mga paborito sa pinakagusto mo, at marami pang iba! Simulan ang laro kasama sina Conan, Catniss (gusto naming ang pangalang ito!) at Francis, na ang mga Mandirigma, Mamamana at Salamangka. Mayroon pang mahigit sa 60 na kakaibang mga karakter na pusa na ma-uunlock mo habang nagpapatuloy ka sa laro.

Handa ka na ba? Oras na para makisama sa mga pusa para ipagtanggol ang Catania at bawiin ang nawawalang lupa – at sa wakas ay mawala ang mayabang nanngiti galing sa mukha ng Masamang Pugnomancer! Maging bahagi ng Dakilang Kuwento ng mga Pusa! (Pinapangarap  naming hindi ka masyadong mahilig sa mga aso!)

Castle Cats Gameplay

Hero ang ilan sa mga katangiang aming nagustuhan:


100+ na Nakakatuwang mga Karakter na Pusan a Kokolektahin

Dahil sa ganito kadaming mga nakakatuwang pusa na kailangang kolektahin, hindi ka maiinip o matatamad sa laro! Magsisimula ka sa tatalong nakakatuwang mga pusa na madaling naging magkaibigan: Sina Conan, Catniss at Francis. Bawat isa sa kanila ay may mga kakaibiang uri ng kapangyarihan, at ikaw ang makakakita nito sa lahat ng oras, lahat ng mga ousa na na-uunlock mo ay may mga espesyal na mga kapangyarihan na ibat-iba kaysa sa isa – walang dalwang pusa ang kapareho! Ang mga pusa mo ay maringal, kaya wala nang mga hindi kinakailangang mga labanan sa pagitan nila habang ina-unlock mo ang lahat ng 60 na pusa para manirahan sa iisiang piraso ng lupa; isa ka sigurong baliw na taking hilig sa pusa sa ganito karaming mga pusa! Kapag nakumpleto mo na ang mga antas, makaka-unlock ka ng mga pusa (Surpresa! Dahil hindi nila ipapakita ang makukuha mo.) Makakapili ka na mag-unlock ng mha karaniwang kahon o mga pambihirang kahon gamit ang barya o mga hiyas para makakuha ng mga pusa sa sari-saring paraan.

Cat Heroes

Mga Mandirigmang Pusa na pagbabago at paglikha

Hindi ka lang makakakuha ng mga pusa para itago sila, kailangan mo ding sanayin sila, linisan at sangkapan sila para sa digmaan! Sanayin sila sa digmaan para sila ay handa at mabuting naantas para sa mga labanan…kasunod ay ipadala sila para gumawa ng mga layunin para tumaas ang antas at manalo ng mga premyo! Mapapa-bago mo ang kanilang mga anyo pero may ilang mahalagang mga bagay na kailnganng nandoon, gaya ng mga asul/berdeng mga baga. Gamitin ang Kuta oara tingnan at ipagbago ang mga pusa mo! Mayroon ka ding pagpipilian na gawing makikita ang mga pusa mo o kung hindi, pro mas ramdam naming na andiyan lang yan kung mayroon kang sobra pa sa mga 20 na pusa!

Cat Evolve

Sumali sa mga Nakakatuwang mga Buwanang Paligsahan, o gumawa lang ng mga Layunin!

Mayroong mga malalaking mga paligsahan na masasalihanmo at naglalakip ito ng maraming mga pagkuwentuhannsa iyong komunidad na naglalaro din ng Castle Cats! Nakakapukaw ito na makita ang mga paligsahan na naghihintay sa iyo! Mayroong maraming mga makaraang mga paligsahan gaya ng Araw ng mga Pusa, o Purrismas, at ang mga paligsahang ito ay palaging nagpapalabas ng mga espesyal na mga pusa para makuha! Ang mga paligsahan ay nakakatuwang  mga bagay (Kahit na hindi mo kaya ang mga espesyal na pusang ito) at ang mga panahon ay nagdudulot ng paggalaw sa komunidad ng Castle Cats!

 

Kung parang hindi ka interesado sa kahitb alinman sa mga pusa o dikayng bilhin ang mga ito, pumunta sa iyong Layuning tab para magpatuloy sa paglalakbay ng mga pusa para palayain ang mga pusa mula sa mapanganib na taga-ibang mundong mga nilalang!

Anniversary

Daily quests

Pamahalaan ang iyong mga pamanday na jga kagamitan, pamutol ng kahoy na mga tuod, at mga kuta

Ano ba ang ginagawa ng mga bagay na ito? Mapagpapalit mo ang ito para magkaroon ng mga bagay nan kailangann mo talaga, o magagamit mo ang mga kagamitang na-ipon mo para i-upgrade ang mga establisimento mo. Ang ilan sa mga bagay ay ma-uunlock lang sa mas mataas na antas, pero magsisimula ka sa isang pamputol ng kahoy na tuod muna! Gamitin ang mga kagamitang ito para i-upgrade ang iyong kuta at panatilihin ito para mapabilis ang mga pagpapabuti.

Gumawa ng mga Maliit na Laro para makauna sa Laro

Mayroong isang mini na laro na malalaro mo, “Murrmory”, na nagtutulong sa iyong magkaroon ng mas maraming mga barya at iba pang mga premyo! Mas marami ang iyong nalalaro, mas mataas ang pagkakataong manalo ka ng mga magagandang mga premyo! Mas Mabuti ka sa laro, nangangahulugang mas kaunting mga galaw sa kaunting posibleng oras, mas mabuti ang mga premyo mo!

Mini Game Rewards

Hindi ka lalakad ng mag-isa!

Ang larong ito ay tungkol lahat sa komunidad ng mga pusa! Si Conan ay hindi nag-iisa; kasama niya sina Catniss at Francis, at ang listang ito ay patuloy na lalaki. Lumaban hanggang sa kaya mong dami ng mga pusa nang kasama! O magpahinga at magpagaling sa bahay ng mga pusa ng sama-sama! Mayroon palaging mabalahibong oakiramdam ng pagkakasama habang naglalaro ka…aww, ito ang nagpapagusto sa aming umampon ng birtual na pusa (My Talking Tom?).


Mga Tip, Lihim at Daya sa Larong Castle Cats

Ang mga pusa ang Pang-araw-araw mong Premyo!

Ang mga pang-araw-araw na mga premyo ay kailangan! Pumasok araw-araw para mag-unlock ng sa iyo para mapalakas ang iyong pusang komunidad! Hindi katukod ng maraming ibang laro na kung saan mag-uunlock ka lang ng mga barya o ginto, ang laro ay nagpapahintulot sa iyong mag-unlock ng mga pusa! Sa dami ng tuloy-tuloy ko na pagpasok, mas malakas na mga pusa ang ma-uunlock mo! Oo, mayroong maraming mga pusa at ang hindi pagkolekta sa mga ito ay hindi magpapahina sa iyoi ng kahit ano man, pero ang lahat ng mga pusa ay iba-iba, at baka kailangan mo ng isang kakaibang pusa ng isang paraan o iba pa, at ano pang mas Mabuti o mas madaling paraan na gawin ito kaysa sa pagpasok lang ng isang beses sa isang araw?

Daily rewards

Ang pagbenta ng kaparehang mga pusa ay tutulong sa iyong magkaroon ng mga baga

Ang mga apoy na larawang nakikita mo sa laro? Iyonn ang mga baga. Mayroong anim na ibat-ibang mga kulay ng mga ito, at bawat pusa ay nangangailanagn ng isa sa anim para makapag-palit anyo. Pero sa nakikita mo, minsan ay makakakuha ka ng dalawang kaparehas o nag-uumapaw na mga pusa na hndi mo talaga kailangan. Sa mga kasong ito, mapapalubos mo ang dalawang pusang espasyo at mga baga sa pamamagitan ng pagbenta ng mga pusang hindi mo kailangan. Kapag ginawa mo ito, ang mga baga ay mapapabalik sa iyong imbentaryo, at magagamit mo ito para mapagpalit-anyo ang ibang mga pusa na gusto mo.

 

Magclick sa iyong mga pusa para sa ginto

Ang pag-click sa iyong mga pusa ngh mabilisan ay magdudulot na mag-alog sila ng maraming mga ginto galing sa balahibo nila! Mga matagong pusa, nagtatagoi nitong mga piraso ng ginto sa loob ng inosentang mga balahibo nila…

 

Huwag mag-aksaya ng pera para sa mga Karaniwang/Regular na mga kahon

Oo, mayroon kang maraming mga barya para mabili ang mga iyon, pero huwag lang itong gawin. Iyan ay hindi talaga ganoon kaepektibo sa mahabang panahbon, kaya ipunin lang ang mga ito para sa ibang mga bagay gaya ng mga pambihira at maalamat na mga bagay. Nagkakaloob sila ng mga katangian na hindi ma madaling makita.

 

I-upgrade ang iyong mga pusa sa ganitong pagkaka-sunod

Samahan (para makapadala ng maraming pusa kaysa sa isa o dalawa lang) → Pamutol ng kahoy na tuod  (pabrika) → Pabrika ng Tela → Layuning Pisara

 

Nagustuhan mo ba ang larong ito? Idownload ang Castle Cats: Epic Story Quests at laruin ito ng libre sa iyong PC ngayon!

Game Download

Get ready to play!

If your download did not start automatically, please click on the download button below.


Follow these easy steps to complete
your Castle Cats: Epic Story Quests installation.


1
Click the downloaded file at the bottom of your screen.
2
Click "Yes" on the system dialog window to start of your game installation.
3
Once download is completed, the game will start automatically.

Ratings and Reviews

[RICH_REVIEWS_SHOW category="post" num="3" id="11224"]

Recommended Games for you