Dragon City Download Free PC Games on Gameslol
Dragon City Download Free PC Games on Gameslol

Maglaro ng Dragon City na Online na Laro at maging ang Pinakamagaling na Tigparami ng mga Dragon | Gabay sa Pagpaparami

Sabi nila ay hindi umiiral ang mga dragon sa ating mundo. Sa ngayon, dahil sang isang click lang, ang larong ito ay magdadala sa iyo sa isang lugar na pwede mo iyang gawing iyong mundo! Dito, gagawa ka ng siyudad kung saan magpaparami, magpapalaki at magsasanay ka ng mga dragon! Lumalagpas ito sa daigdig dahil ang lugar na ito ay makikita sa ibabaw ng mga  ulap kung saan malayang nabubuhay ang mga dragon.

 

Kagaya ng kahit anong siyudad, pwede kang magpatayo ng mga gusali at tirahan na bumabagay sa  kailangan ng iyong mga Dragon. Pwede ka ring magsaka para sa kanilang pagkain at paramihin sila para gumawa ng mas malakas at mas makapangyarihang mga nilalang. Makipag-ugnayan sa iba pang mga manlalaro kung ikokonekta mo ang larong ito sa iyong account sa Facebook. Pwede mo ring imbitahin ang iyong mga kaibigan at kalabanin sila!

 

Maging parte ng Masaya at nakakatuwang laro na ito kung i-download mo ito sa iyong PC nang libre! Sumali sa saya kung maglalaro ka ng Dragon City Online at ilulong ang sarili sa malapantasiyang mundo! Basahin para sa gabay sa pagpaparami, mga daya, at mga hack sa laro.

 

Dragon City Free Online Game

 

Mga Katangian ng Larong Dragon City:

 

Si Deus na Puno ng mga Dragon

Nang pumapasok ka na sa laro, sasalubungin ka ni Deus, ang Puno ng mga Dragon, at siya ang gagabay sa iyo sa mga mekanika ng laro. Ang katangiang ito ay tumutulong sa mga bagong manlalaro at nagsisimula pa lang na maintindihan ang paraan ng paglaro ng Dragon City. Ang larong ito, kagaya ng iba pang pampasiglang laro, ay kailangan ng panahon para kilalanin pero dahl sa tulong ni Deus, magiging madali lang ang lahat.

Dragon City Play Online Fun Games

 

Pang-araw-araw na premyo

Ang Dragon City ay nagbibigay ng premyo sa mga manlalarong palaging bumibisita sa laro! Kapag binibisita mo ang larong ito, makakakuha ka ng pang-araw-araw na premyo! Magiging sapat lang ito na idagdag sa ekstrang ginto para mapabuti ang iyong siyudad! Kaya tandaan na mag log-in araw-araw para mapremyohan ng maganda.

 

Dragon City Free Online Simulation Games

 

Makulay at Nanginginig na mga Grapika

Walng duda na ang mga gumawa  ng larong ito ay siniguro na hindi ito nakakayamot. Dahil sa mga magagandang grapika at detalye ng pantasiyang mundong ito, iiwanan ka lang na mamangha at galugarin ang bawat detalye ng laro! Ang maningning na mga kulay ay siguradong maging dahilan kung bakit magugustuhan ng mga matatanda at bata man ang laro!

 

Natapos na mga Layunin

Maliban sa mga pakikipaglaban at mga dragon na kailangang palakihin at sanayin, mayroon ding mga pangunahing layunin na dapat makamit sa laro. Ang mga gawaing ito ay magsisilbing gabay mo sa buong laro na sinisiguradong nasa tamang daan ka sa pagpapalaki ng pinakamakapangyarihang Dragon! Kaya gumugol ng karagdagang oras sa paggawa ng ganitong mga Gawain para mapalaki ang iyong XP at kumita ng mas marami pang Ginto! Ang mga gintong ito ay maaaring gamitin para bumili ng iba pang mga kailangan para sa lumalaki mong Dragon City.

 

Dragon City Online Play on PC

 

Labanin ang mga Laban

Ipakita sa mundo kung sino ang pinakamagaling na Tagapagparami ng mga Dragon! Dalhin ang iyong mga dragon sa arena at ipaglaban sila sa iba pang mga dragon. Subukan ang kanilang mga abilidad at mga espesyal na mga kapangyarihan! Gawin ang ibat-ibang mga misyon at kumpletuhin ang mga yugto sa bawat isa sa  kanila. Kung nakumpleto mo na ang mga ito, mabibigyan ka ng premyo na hindi pangkaraniwang itlog ng dragon na mas makapangyarihan kaysa sa ordinary lang.

 

Dragon City Fun Play Games Online

 

Kunin ang iyong Pili

Pag-isipan ang iabt-iabng uri ng mga dragon na maalala mo at mayroon iyan sa Dragon City para sa iyo! Ang larong ito ay may malaking koleksiyon ng mga dragon, 965 na dragon ang nandiyan upang maging eksakto. Mabibili ito sa pamamagitan ng hiyas o ginto. Marami ding mga ibat-ibang uri ng tirahan para bumagay sa uri ng dragon sa laro! Para makumleto ang iyong siyudad, mayroon ding ibat-ibang pagpipilian na mga gusali at dekorasyon para mapabuti ang mga tanawin ng lumalaki mong siyudad.

 

Dragon City Master Guide Breed

 

Kumuha ng updates sa iyong Dragon

Kilalanin pang mabuti ang estado ng iyong mga dragon sa kanilang mga tirahan. Tingnan ang ibat-ibang uri ng mga estatistika ng nagustuhan mong mga Dragon. Alamin ang element na naaanib sila, ang kinagagalingan ng mga dragon, ang kita nito, lakip na ang punong puntos nito. Maliban sa impormasyong ito, ang laro ay nagbibigay din ng maikling paglalarawan ng mga hilig at gusto ng mga dragon. Makakakuha ka din ng detalyadong ulat ng kanilang mga estatistika na kasama na doon ang kabuuang buhay ng mga dragon ( pinapakita ng pulang krus na sinyales) at ang kabuuang pinsala ng atake (pinapakita ng sumasabog na sinyales).

 

Higit pa rito, makikita mo rin ang mga espesyal na atake na meron ang bawat dragon. Ang impormasyong ito ay makakatulong kung nagsimula nang maglaban ang iyong mga dragon sa arena.

 

Dragon City Play Game Free Online

 

Mga Tip sa Paglaro ng Dragon City, Mga Lihim, Daya at Hacks:

I-click ang mga iyon ng tama

Maraming nagaganap sa laro kaya maging maingat na hindi mag-click ng kahit anon a pwedeng makakawala ng mahalaga mong mga ginto at hiyas. Kung hindi mo binabasa ng maayos, nanganganib kang mag-click ng isang bagay at mawalang ng iba pa.

 

Pakainin ang iyong mga Anak

Sa mundong ito, ang iyong dragon ay para mong mga anak. Siguraduhing pakaininpalagi ang iyong mga dragon para mas lumaki ang kanilang antas at ang kita rin nila. Sa pagkakaalam mo, kung ano ang taas ng antas ng iyong dragon ay katumbas din diyan ang gintong kanilang nalalabas kada minute. Para malaman ang karagdagang detalye, pwede mong bisitahin ang kanilang profile kung mag-click ka sa kanilang tirahan.

 

Dragon City Tips Hacks Cheats Gold

 

Maging Matiisin

Isang malaking parte ng larong ito ay nangangailangan ng pasensya. Ang paghintay ng pagtayo ng iyong gusali para makumpleto, paghintay sa mga itlog na mapisa, at hintayin na mangitlog ang mga dragon. Hindi kami nagbibiro nang sinabi naming dapat kang maghintay dahil literal talaga na marami pang panahon ang dadaan bago mo makuha ang upgade ng mga gusali at mga gamit na iyong binili. Alam naming ang paghihirap ng paghintay at nakakaakit na gamitin ang mga hiyas para mapabilis ang proseso. Sa halip na gamitin iyon,iminumungkahi naming na patuloy kayong bumili ng mga bagay na makakatlong talaga sayo habang pinapalaki mo ang iyong siyudad sa hinaharap. Ang mga hiyas na ito ay maaaring gamitin para bumili ng 10,000 na prutas para ipakain sa iyong mga dragon! Magandang kasunduan hindi ba? Mas mabuting kunin ang kasunduan na iyan at iwasan ang marami pang gulo.

 

Huwag Matakot na Dalhin ang iyong mga Dragon sa Laban

Ang pagdala sa kanila sa arena ay isang mabisang paraan para sanayin sila sa iabt-iabng mga dragon at nakakatulong din ito sa iyo, bilang Pnuno ng mga Dragon, para makita kung saan sa iyong mga dragon ang bagay gamitin laban sa isang kalaban sa isang tiyak na antas.

 

 


Mga Palaging Tinatanong tungkol sa Dragon City:

 

Paano ko ikasta ang aking mga Dragon?

Para ikasta ang iyong dragon, kailangan mong pumili ng ibat-ibang uri ng dragon at ikasta sila sa Bundok ng Pagpaparami. Halimbawa, mayroon kang Dragon na Apoy at isang Terra na Dragon, at gusto mong makakuha ng dragon na mayroong abilidad na taglay ng Apoy at Terra, ikasta sila1 Pero bago niyan, kailangan na ang iyong dragon ay matanda na at higit sa Ika-4 na Anta sang laki. Kung hindi, patuloy lang silang pakainin hanggang sa maabot nila ang isang edad ng tanda bago sila ikasta. Importante din na tandaan na hindi lahat ng mga dragon ay pwedeng ikasta. Kung ang mga dragon ay nakuha galing sa mga espesyal na okasyon o isang despatso, hindi sila pwedeng ikasta sa ibang karaniwang uri ng dragon.

 

Gaano katagal ang pagkasta ng Dragon?

Depende talaga iyon sa mga dragon na kinakasta mo at ang mga element na meron sila. Pwedeng kasingikli lang ng 15 na Segundo. Ang ilang pagkasta ay nagtatagal ng 4 hanggang 5 oras. Ang iba ay napapabalitang 82 na oras kahaba! Kaya hindi talaga tiyak sa ilang oras lang ito. Ang kailangan mo lang gawin ay ang maging matiisin o kung hindi aygamitin ang iyong mga hiyas!

Naaakit na subukan ang laro? I-download ang laruin ang Dragon City sa PC/Mac ngayon! Pwede mo ring subukan ang iba pang Mga Larong Halimaw gaya ng Monster Legends at Zombie Tsunami din!

Game Download

Get ready to play!

If your download did not start automatically, please click on the download button below.


Follow these easy steps to complete
your Dragon City installation.


1
Click the downloaded file at the bottom of your screen.
2
Click "Yes" on the system dialog window to start of your game installation.
3
Once download is completed, the game will start automatically.

Ratings and Reviews

summer

post
★★★★★
5 5 1
good

Recommended Games for you